Ang proyektong ito ay magbibigay ng maayos at maunlad na espasyo para sa ating mga negosyante at mamimili. Sa kabuuang 151 stalls, inaasahang magiging sentro ito ng kalakalan at negosyo sa Pilar. Ang proyektong ito ay naisakatuparan sa pagtutulungan nina Mayor Charlie Pizarro, Vice Mayor Ces Garcia, SB Members, at mga kawani ng Pamahalaang Bayan.
Lubos din ang pasasalamat kina Governor Joet Garcia, Congressman Abet Garcia, Vice Governor Cris Garcia, at Cong. Jett Nisay ng Pusong Pinoy Partylist. Hindi ito magiging posible kung hindi dahil sa kanilang walang sawang suporta sa ating mga Pilarians.
Muli, taos-pusong pasasalamat sa lahat ng naging bahagi ng proyektong ito! Sama-sama nating itaguyod ang mas progresibong Pilar at tangkilikin ang sariling atin.